Home METRO Lalaking lakas-tama timbog sa boga sa mga parak sa Bulacan

Lalaking lakas-tama timbog sa boga sa mga parak sa Bulacan

Bulacan – Syut sa kulungan ang isang lalaking nasa impluwensiya ng alak na may dalang baril at nag-trip sa isang inuman sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) nitong gabi ng Hunyo 10.

Sa report kay PCOL. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, naganap ang insidente bandang 8:00 ng gabi sa Sitio Balaong, Brgy. Talbak.

Ayon sa imbestigasyon ng DRT police station, dumating ang suspek sa inuman na kargado ng baril at agad pinagsabihan ang isa sa kanilang katoma.

Nang pakalmahin ng isa sa mga kainuman ang suspek ay lalo itong nagalit at nagbanta kaya napagpasyahan nilang tumawag ng pulis.

Agad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng RMFB3 at DRT police hanggang sa matagumpay na naaresto ang suspek na si alyas ‘Boy de bola’ at narekober ang hindi lisensyadong kalibre .38 na may apat na bala.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III