Bulacan – Arestado ang isang lalaking nag- masturbate sa harap ng alindog ng magandang babaeng tindera sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang suspek sa alyas Jun, 46 habang ang biktima ay itago sa pangalang Kyla, 25 kapwa residente ng Brgy. San Pedro.
Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 1:00 ng madaling araw nitong September 11 sa harap ng tindahan ng biktima
Ayon sa imbestigasyon, bumibili ang suspek ng mga oras na iyon nang biglang dakmain ang maselang parte ng biktima hanggang sa inilabas ang kanyang ari at taas-babang binayo ito.
Hindi nasiraan ng loob ang biktima na agad humingi ng saklolo sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar kaya nahuli kalaunan ang suspek.
Nahaharap ang kaukulang kaso ang suspek habang humihimas ng Matigas na rehas sa naturang istasyon ng pulisya.(Dick Mirasol III)