Kasunod ng hindi pagdepensa ni Vice President Sara Duterte sa budget ng Office of the Vice President, inirerekomenda ng House Committee on Appropriations ang pagtapyas ng P1.3B sa hinihingi nitong P2.037 Billion budget para sa susunud na taon.
Ayon kay House Committee in Appropriations Senior Vice Chairman at Marikina Rep. Stella Quimbo na ang pagtapyas sa budget ng OVP ang siyang rekomendasyon ng komite.
Gayunpaman, nilinaw nito na ang budget slash ay nanatiling rekomendasyon ng komite at ang pinal na desisyon sa pag-apruba ng OVP budget ay nasa kamay ng House Plenary.
Sa ngayon, ang budget deliberations sa mga ahensya ang gobyerno ay kasalukuyan pa ring dinidinig ng komite at sa oras na matapos ito ay saka isasalang sa plenaryo na syang pinal na mag aapruba sa P6.352-trillion 2025 national budget. RNT