Home NATIONWIDE ‘Big boss’ ng illegal POGO pinangalanan ng PAOCC

‘Big boss’ ng illegal POGO pinangalanan ng PAOCC

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Huwebes ang pagkakakilanlan ng tinaguriang “boss of all bosses” ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa mga kriminal na aktibidad.

Tinanong sa isang radio interview si PAOCC Executive Director Gilbert Cruz kung si Huang Zhiyang, na natagpuang may limang pasaporte sa isang raid sa Clark, Pampanga, ay ang “boss of all bosses” ng mga ilegal na POGO.

“Opo, opo,” sagot ni Cruz.

Gayunpaman, hindi niya kinumpirma kung ito ang indibidwal na tumulong sa pag-alis ng bansa ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Sinabi ni Cruz na tinulungan ni Huang si Guo na makakuha ng mga hotel accommodation sa Singapore.

“‘Yung Huang Zhiyang, ‘yan din po yung nasa Singapore, ‘yan po ‘yung—kung napansin niyo ‘yung tumulong po kay Alice Guo para ma-accommodate siya sa isang hotel,” dagdag pa niya.

Noong Martes, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na si Huang Zhiyang ang “malamang” ang dayuhan na tinukoy ni Guo na tumulong sa kanya na tumakas.

Sinabi ni Estrada na narinig niya na ang indibidwal ay ang “boss ng lahat ng mga amo.”

Aniya, nasa Taiwan umano si Huang. RNT