Home NATIONWIDE PH, Tsina nanindigan sa pag-angkin sa Escoda Shoal

PH, Tsina nanindigan sa pag-angkin sa Escoda Shoal

MANILA, Philippines- Nananatili ang posisyon ng Pilipinas at Tsina ukol sa pinagtatalunang shoal sa South China Sea, subalit nangako na maghahanap ng paraan para mapigilan ang komprontasyon.

Sa katunayan, nagkaroon ng “frank at candid exchange of views” si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Theresa Lazaro sa counterpart nitong si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong sa isang pagpupulong sa Beijing nito lamang Sept. 11, subalit hindi umabot sa “breakthrough” kung paano lulutasin ang nagpapatuloy na sigalot sa Sabina Shoal, tinatawag na Escoda ng Pilipinas at Xianbin Reef ng Tsina.

“Emphasizing that Escoda Shoal is within the Exclusive Economic Zone (EEZ) of the Philippines, Undersecretary Lazaro reaffirmed the consistent position of the Philippines and explored ways to lower the tension in the area” ang nakasaad sa kalatas ng DFA.

Gayunman, ang dalawang panig “agreed to continue discussions on areas of cooperation, especially on hotline mechanisms, coast guard cooperation, and marine scientific and technological cooperation,” ayon sa departamento.

“China will firmly safeguard its sovereignty and the seriousness and effectiveness of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea,” winika pa ng DFA.

Kapwa naman pumayag ang Senior Philippine at Chinese diplomats na ipagpatuloy ang pag-uusap sa Beijing matapos ang serye ng komprontasyon na umabot sa bagong senaryo ng aktibong labanan, ang Escoda Shoal, isang lugar na matatagpuan sa loob ng West Philippine Sea subalit inaangkin ng Tsina.

Ang pag-uusap, tinawag na Bilateral Consultations Mechanism (BCM), tinalakay ang masalimuot na territorial issues na may kinalaman sa West Philippine Sea/South China Sea. Kris Jose