Home METRO Lalaking naglangoy sa Marikina River, nawawala

Lalaking naglangoy sa Marikina River, nawawala

355
0

MANILA, Philippines- Nawawala ang isang 22-anyos na lalaki matapos maglangoy sa Marikina River nitong Huwebes.

Tumalon si Jerome Racelis, residente ng Barangay Tumana, sa ilog upang maglangoy bandang alas-3:30 ng hapon noong Huwebes, ayon sa ulat.

“Humihingi pa nga ‘yun ng saklolo eh, eh wala na ring makasagip dahil sa lakas ng ulan, hangin at saka ‘yung tubig,” paglalahad ni Gloria Racelis, ina ni Jerome.

Iginiit niya na hindi lasing ang anak niya at marunong itong lumangoy.

Ipinagpatuloy naman ang search and retrieval operations nitong Biyernes ng umaga.

“Nag-resume tayo kaninang umaga alas otso ng search and retrieval at inaasahan namin, base sa experience namin, na usually after 24 hours pa lumulutang yung mga nagiging biktima ng pagkalunod sa Marikina River,” ani Marikina City Disaster Risk Reduction Management Office chief Dave David.

“Panawagan ko sa kanila na mahanap nila yung anak ko na ibalik sa akin kahit siya ay wala nang buhay,” dagdag ni Gloria.

Pinaalalahanan ng Marikina CDRRMO ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalangoy sa Marikina River. RNT/SA

Previous articleBatanes isinailalim sa Signal No. 1 sa pagtama ni ‘Hanna’
Next articleEx-cop sa QC road rage, gigisahin sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here