Home NATIONWIDE Batanes isinailalim sa Signal No. 1 sa pagtama ni ‘Hanna’

Batanes isinailalim sa Signal No. 1 sa pagtama ni ‘Hanna’

MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes nitong Sabado sa patuloy na pagkilosni Bagyong Hanna (international name: Haikui) sa westward direksyon patungo sa karagatan sa silangan ng Taiwan, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Batanes ng malakas na hangin sa loob ng 36 oras na may wind speeds na 39 hanggang 61 km/h, na may dulot na minimal to minor threat sa buhay at ari-arian.

Kaninang alas-4 ng umaga, ang sentro ni Hanna ay tinatayang 520 km east northeast ng Itbayat, Batanes.

Mayroon itong maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 150 km/h, at central pressure na 975 hPa.

Pakanluran si Hanna sa bilis na 10 km/h.

Samantala, patuloy na pinalalakas ang southwest Monsoon (Habagat) ni Hanna at dalawa pang tropical cyclones na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Magdudulot ang monsoon ng occasional to monsoon rains sa western portion ng Luzon sa sunod na tatlong araw.

Sinabi ng PAGASA na may umiiral na gale warning sa northern at western seaboards ng Luzon, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon, bahagi ng seaboards ng Northern Quezon, southern seaboard ng Southern Luzon, at western seaboard ng Visayas dahil sa epekto ni Hanna at ng monsoon.

“HANNA is now forecast to move west northwestward or westward while intensifying until it makes landfall along the east coast of southern Taiwan between late Sunday or early Monday,” sabi ng PAGASA.

Inaasahang hihina ang bagyo saka magiging severe tropical storm o minimal typhoon bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng hapon o gabi.

“Outside the PAR region, HANNA is forecast to move erratically and may even become slow-moving or almost stationary over the Taiwan Strait while continuously weakening due to land interaction and increasingly unfavorable environment. By late Wednesday or early Thursday, HANNA will have weakened into a tropical depression,” dagdag ng PAGASA.

Inabisuhan ng weather bureau ang publiko at disaster risk reduction and management offices na mag-ingat at pangalagaan ang buhay at ari-arian. RNT/SA