Home NATIONWIDE Pagbili ng PH gov’t ng 5 coast guard patrol ships sa Japan...

Pagbili ng PH gov’t ng 5 coast guard patrol ships sa Japan kasado

MANILA, Philippines- Nakipagkasundo ang Pilipinas sa Japan sa pagbili ng una ng limang coast guard patrol ships mula sa huli, na nagkakahalaga ng mahigit $400 milyon, ayon sa ulat nitong Biyernes, sa pagharap ng Southeast Asian country sa umiigting na agresyon ng Beijing sa South China Sea.

Pauutangin ng Japan ang Pilipinas ng 64.38 billion yen ($413 milyon) upang makabili ng imang 97-metre Multi-Role Response Vessels at mabayaran ang “development of the required support facilities,” base sa foreign ministry.

“This will support the PCG in improving its capabilities for maritime operations particularly in addressing transnational crimes,” anito, na tinutukoy ang Philippine Coast Guard.

Ang Japan ang “top provider” ng overseas development assistance sa Pilipinas.

Nilalayon ng dalawang bansa na palalimin ang kanilang security cooperation sa gitna ng mas maigting na paggiit ng China sa claims nito sa South China Sea.

Inaangkin ng Beijing ang malaking bahagi ng waterway, sa kabila ng claims ng iba pang bansa, kabilang ang Pilipinas, at ng international ruling na walang legal na basehan ang pag-angkin ng China. RNT/SA