Home METRO Lalaking nagtago ng 15 taon sa kasong rape nadakma sa BulacanMETROTOP STORIES Lalaking nagtago ng 15 taon sa kasong rape nadakma sa BulacanMarch 17, 2026 18:481540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp BULACAN, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang lalaking mala-“palos” na 15 taon nagtago dahil sa kasong rape nitong Marso 16.Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, matagumpay na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape si alyas “Victor”.Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang pag-aresto kay Victor ng tracker team ng istasyon sa nasabing petsa.Nabatid na ang WOA ay inilabas ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 13, City of Malolos noong Nobyembre 2011.Humihimas na ng rehas ang naarestong suspek sa humuling istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)