Home METRO Lalaking nagyabang sa sukbit na baril, arestado

Lalaking nagyabang sa sukbit na baril, arestado

157
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang kelot nang ipagyabang umano ang nakasukbit na baril habang pabalik-balik na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig, mahaharap sa kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at R.A. 4136 (Land Transportation and Traffic Code) ang suspek na si alyas “Jetro”, 19.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, isinumbong ng isang residente sa pulisya ang suspek na pabalik-balik sa pagmamaneho ng motorsiklo sa Industry Road, Brgy. Potrero, alas-4:50 ng madaling araw habang naka-display ang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

Nang magresponde ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1, inabutan nila ang suspek sa kanto ng Industry Road at Engineering St. na nakaupo na sa kanyang motorsiklo habang pinaglalaruan ang hawak na kalibre .45 1911 shooter pistol na may anim na bala sa magazine.

Gayunman, nang mapansin nito ang presensya ng mga pulis ay tinangka ng suspek na tumakas nang mabilis na paandarin ang motorsiklo subalit, nasukol din kaagad siya makaraan ang maikling habulan.

Bukod sa walang papeles ang dalang baril, wala ring lisensiyang maiprisinta ang rider na si kaya’t ini-impound ng mga pulis ang kanyang mnamanehong Yamaha Mio motorcycle.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na ang ilegal na pagdadala at pagmamay-ari ng baril ay ipinagbababawal sa batas.

Hinihikayat din ang lahat na makipagtulungan at agad iulat sa kapulisan kung may mapansin kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here