Home METRO Lalaking nanulak ng pulis sa Oplan Sita, bistado sa dalang marijuana

Lalaking nanulak ng pulis sa Oplan Sita, bistado sa dalang marijuana

325
0

MANILA, Philippines – Bistado ang isang lalaking tulak sa dala nitong marijuana matapos nitong itulak ang isang pulis sa ‘Oplan Sita’, napaulat kahapon, Disyembre 17 sa Valenzuela City.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art. 148 (Direct Assault) of RPC at Section 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si alyas “John”, 27, factory worker ng Faustino St., Brgy. Punturin.

Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ni Police Sub-Station 7 Commander P/Lt. Gilbert Ticson sa Faustino St., Brgy., Punturin nang parahin nila ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang lalaki dakong alas-2:15 ng madaling araw.

Gayunman, hindi huminto ang rider na dahilan upang harangin ni PEMS Dennis Cabidoy at nang huminto bumaba ang back rider na si alyas John saka bigla na lamang itinulak ang pulis bago tumakbo.

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa maaresto at nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ni P/MSgt Jeffrey Noceda ang isang knot tied transparent plastic na naglalaman ng nasa 248.30 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P29,803.

Samantala, inisyuhan naman ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang nagmamaneho ng motorsiklo. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here