Manila, Philippines – Minabuti na lang ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na huwag na lang pansinin ang mga paratang sa kanila kung saan sangkot ang anak ng Pambansang Kamao, si Eman Bacosa Pacquiao.
Buhat kasi nang lumantad sa publiko si Eman, hindi naiwasang “silipin” o gawing isyu ang umano’y pagtrato sa kanya ng ama’t madrasta.
Pero magandang hakbang ang ‘di na lang pagpatol ng Pacquiao couple sa kanilang mga bashers.
Pero kung nakakayang ipagkibit-balikat na lang ‘yon ng mag-asawa, hindi ang personal assistant o P.A. ni Jinkee, si Malou Masangkay.
Si Malou ay ilang taon nang naninilbihan kay Jinkee.
It is she who gives updates on Jinkee or on the couple particularly their activities.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Malou na naging saksi daw siya kung paanong maayos na pinakikitunguhan ni Jinkee si Eman.
Ginawa rin niyang patunay ang mga naitulong nito kay Eman, na hindi na daw kallangan pang ipagsigawan sa social media.
The public knew that the only time they went public ay noong ipag-shopping ng mag-asawa si Eman–that anything he wanted ay naibigay sa kanya.
Tila may pakiusap naman si Malou kay Eman–to make the public know he’s well loved by his dad.
Alam at ramdam din naman daw ito ng 21 anyos na binata mismo.
For his part, ilang beses nang nilinaw mismo ni Eman na walang isyu sa pagitan nila ng kanyang ama.
Hindi na nga raw niya ito pinapansin. Ronnie Carrasco III