Home ENTERTAINMENT Napabalitang ‘anak’ ni Coco, pasok sa BQ!

Napabalitang ‘anak’ ni Coco, pasok sa BQ!

325
0

Manila, Philippijes – Parang wala namang katotohanan ang nabalitang hanggang January 2, 2026 na lang ang Batang Quiapo–hindi lang sa pag-ere nito sa TV5 kundi sa kabuuan nito.

Malakas kasi ang bulung-bulungan na mapapanood na daw ito sa GMA.

Nabalita pang ikinagulat daw ng llang cast members ng action-drama series na magtatapos ito–as there has been no advice to them.

Eh, paano nga namang sasabihing goodbye Batang Quiapo kung may nadagdag sa cast?

Winelkam nga ni Coco Martin si Nicole, anak ng dating kasintahang si Katherine Luna.

Si Nicole ‘yung pinagdudahan dati bilang anak ni Coco–bagay na binigyang linaw mismo ni Katherine.

Sa isang panayam sa kanya dati, nahihiya nga raw siya kay Coco.

At sa halip ngang magtanim ng sama ng loob si Coco’y ipinagamot pa niya ang mga mata ni Katherine.

With her daughter Nicole’s inclusion in BQ, who says the series is bound to end?

Masaya na rin si Katherine for Nicole dahil the latter is just as good bilang kapalit niya sa serye she wanted to be part of.

Bale si Maris Racal ang kasama ni Nicole sa mga eksena.

Ang tanong–who’s the better actress: ang ina o ang anak? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here