Home METRO Lalaking nanutok ng baril sa dalagitang ‘di nagpahiram ng P100, arestado

Lalaking nanutok ng baril sa dalagitang ‘di nagpahiram ng P100, arestado

3
0

BURGOS, Isabela – Arestado ang isang 42-anyos na lalaki matapos umanong tutukan ng baril ang isang 17-anyos na dalagita na tumangging magpahiram sa kanya ng P100, ayon sa pulisya.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office (PPO), umano’y lasing ang suspek at nagalit nang hindi pinagbigyan ng biktima ang kanyang hiling.

Sinabi ng pulisya na bumunot umano ang lalaki ng isang .45-caliber pistol mula sa kanyang backpack at tinakot ang dalagita, dahilan upang tumakas ito at humingi ng tulong sa kanyang kapatid at mga opisyal ng barangay.

Naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Pintor, Gamu, Isabela.

Narekober sa kanya ang isang .45-caliber pistol na walang serial number.

Nahaharap ang suspek sa kasong grave threats at paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here