Home METRO Lalaking posibleng sinaksak, todas

Lalaking posibleng sinaksak, todas

63
0

MANILA, Philippines – Binawian ng buhay ang isang 30 anyos na lalaki na umano’y nagtamo ng sugat sa dibdib sa hindi malamang kadahilanan nitong Linggo ng umaga, Mayo 17.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naka-duty ang isang security officer sa Gate 9, Anda Gap, Intramuros, Maynila nang lapitan siya ng biktima na si “Rio” na isang residente ng Malabon.

Sakay umano ang biktima ng kanyang Red Honda Click nang bumulong sa sekyu ng “Maosup” na ang ibig sabihin ay paghingi ng tulong para dalhin siya sa ospital.

Ipinakita ng biktima ang kanyang sugat sa kanang dibdib bago ito tuluyang bumagsak.

Agad namang humingi ng tulong ang security officer sa kanyang mga kasama sa koordinasyon ng mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct (PCP).

Dinala ang biktima a Philippine General Hospital para sa agarang atensyon medikal pero idineklarang dead on arrival ganap na 1:46 ng umaga.

Puspusan na ang ginagawang follow-up operation ng pulisya upang matukoy ang origin o pinagmulan ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here