Home METRO Lalaking pumalag sa umarestong pulis nabisto sa dalang baril

Lalaking pumalag sa umarestong pulis nabisto sa dalang baril

124
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang kelot nang mabisto ang dalang baril makaraang pumalag sa pulis na mag-iisyu sa kanya ng ticket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Valenzuela City.

Sa ulat ni police investigator P/MSgt. Alvin Pastores kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Police Sub-Station 1 Commander P/Capt. Manuel Cristobal nang mapansin nila ang isang lalaki na nagyoyosi umano sa pampublikong lugar sa Francisco St., Brgy., Paso De Blas dakong alas-11:45 ng gabi.

Dahil malinaw na paglabag ito sa umiiral na ordinansa ng lungsod, nilapitan nina PCpl John Ray Laredo at Pat R-Jay Tagnong ang lalaki sabay nagpakilala bilang mga pulis saka ipinaalam sa kanya nagawang paglabag.

Nang iisyuhan nila ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang lalaki, bigla nalamang umano nitong itinulak at tinadyakan si PCpl Laredo bago tumakbo para tumakas kaya hinabol siya ng mga pulis.

Nang makorner, nagpatuloy pa rin umanong pumalag ang suspek at hinablot ang kuwelyo ng oniporme ni PCpl Laredo na dahilan upang masira ito hanggang sa magawa na siyang maaresto.

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek na si alyas “Eugene”, 26, delivery rider at residente ng Brgy., Ugong ang hindi lisensyadong baril na isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Na-inquest na ang suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office para sa kasong Direct Assault at paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here