Home METRO Lalaking tumangay ng motorsiklo, nagbantang papatay sa biktima arestado

Lalaking tumangay ng motorsiklo, nagbantang papatay sa biktima arestado

299
0

MANILA, Philippines – TIKLO ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan pang patayin ang may-ari ng motorsiklong kanyang tinangay sa Valenzuela City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang Anti-Carnapping Law, Grave Treat at R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act ang suspek na na nakilala sa sa alyas na “Eman”, 44, ng Brgy. Gen T De Leon ng nasabing lungsod

Batay sa imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga nang matuklasan ng biktimang si Gedeon Roldan, 37, truck helper, ng Gumamela Street ang pagkawala ng kanyang Yamaha Mio Sporty motorcycle na ipinarada niya sa harap ng Magnolia Homes, Santolan Road, Brgy. Gen T De Leon.

Nakita Naman sa CCTV ng barangay, ang pagtangay ng suspek ng kanyang motorsiklo kaya pinuntahan ng biktima sa bahay si alyas Eman upang komprontahin.

Subalit nauwi lamang sa pagtatalo Ang namagitan sa dalawa hanggang maglabas umano ng baril ang suspek at tinutukan ang biktima sabay binantaang patayin kaya humingi na ng tulong si Roldan sa Patrol Base 2.

Kaagad namang rumesponde sina Pat. Raymundo Gamboa, Pat. Dominic Dela Cruz at Pat. Sherwin Caampued na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala at nabawi din ang motorsiklo ng biktima. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here