Home METRO Lalaking umakyat sa pinakamataas na beam ng LRT-2, iniligtas ng BFP

Lalaking umakyat sa pinakamataas na beam ng LRT-2, iniligtas ng BFP

137
0

MANILA, Philippines – Isang 42-taong-gulang na lalaki ang nailigtas ng Bureau of Fire Protection matapos umakyat sa pinakamataas na concrete beam ng Manila Light Rail Transit-2 Antipolo station.

Ilang oras ang ginugol ng BFP personnel sa pakikipag-usap sa lalaki upang siya’y kumalma.

Naglagay din sila ng inflatable rescue air cushion sa lugar bilang dagdag na seguridad.

Nang magtakipsilim, nagpasya ang rescuers na hulihin ang lalaki para mailigtas siya.

Kasama sa operasyon ang ina at kapatid ng lalaki upang tulungan siyang kumalma at mailihis ang kanyang atensyon.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung paano naka-akyat ang lalaki sa pinakamataas na beam ng LRT-2.

Ayon sa ina, maaaring nakaranas ang kanyang anak ng matinding stress. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here