Home ENTERTAINMENT lan, may reaksyon sa Maris-Anthony isyu!

lan, may reaksyon sa Maris-Anthony isyu!

Manila, Philippines – Sa ibang showbiz event pa nahingan ng reaksyon si lan Veneracion tungkol sa MaThon (Maris Racal at Anthony Jennings) issue.

Mas akma sanang kinunan ng kanyang two cents ang Kapamilya actor sa palabas kung saan kasama niya ang mga ito.

Gayunpaman, lan obliged.

Talk of the town sina Maris at Anthony if only for the actress’ cheating on Rico Blanco noong panahong sila pa ang magkarelasyon.

Ibinisto kasi ito ng dati namang nobya ni Anthony, si Jam Villanueva.

Lumikha nga ito ng malaking ingay sa social media, na nakaapekto sa career ng MaThon.

In the process, Maris lost her Dazzle Me product endorsement.

Maging ang Vice Ganda MMFF entry na And the Breadwinner Is ay apektado rin.

Will this spill over hanggang sa teleserye nilang Incognito, to air in January next year?

Ano naman kaya ang take ni lan, costar ng MaThon?

Tugon ng aktor: “I don’t understand why everybody makes it their business. It’s about two people, let them be!”

Hangga’t maaari raw ay hindi pinanghihimasukan ni lan ang personal na aspeto ng kanyang mga katrabaho.

Giit niya: “Whatever happens in their bedroom is none of my business!”

Ang mas mahalaga raw ay professional sina Maris at Anthony bukod sa napakahusay pang umarte.

Kung anuman daw ang namamagitan sa dalawa’y labas siya. Ronnie Carrasco III