MANILA, Philippines- Pinatitiyak ng Department of Health sa Centers for Health Development (CHDs) o regional offices ang sapat na suplay ng kailangang pantugon sa pagputok ng Bulkan Kanlaon.
Kasama dito ang N95 masks, goggles, water purification tablets o filters, mga gamot, hand sanitizers at antiseptic wipes.
Bukod dito, pinatututukan ng DOH ang mga lugar na peligroso sa kalusugan kasama rito ang mga sakit sa baba dulot ng epekto ng abo mula sa bulkan, iritasyon ng mata at balat gayundin ang kontaminasyon ng tubig.
Ayon kay Health Asec. Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, ipinaalala ng ahensya sa mga ospital at health facilities malapit sa Mt. Kanlaon na iprayoridad ang pagtanggap sa mga buntis at ibang indibidwal na may komplikasyon sa kalusugan kung saan palawakin pa ang kanilang kapasidad kung kinakailangan.
Sa memorandum ng DOH sa regional offices nito, ipinaalala rin ang pagpapalakas ng pagbabantay, paghahanda sa posibleng epekto sa serbisyo ng insidente at pangangailangang palakasin ang koordinasyon sa mga lokal na gobyerno at iba pang ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden