Manila, Philippines – Tinatayang mahigit 15,000 katao ang nagtipun-tipon sa isinagawang prayer rally ng mga supporters ni dating senador na si Bong Revilla sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite kamakailan.
Dumalo’t nagtawid ng mga mensahe’t panalangin ang iba’t ibang church leaders, religious groups, mga pastor at pati ang Muslim community.
Present ang misis ni Bong na si Rep. Lani Mercado kasama ang mga anak nilang sina Reps. Bryan at Jolo, Cavite Vice Gov. Ram at Atty. Inah del Rosario.
The candle-bearing crowd was estimated to be more than 15,000 who stayed until the ceremony ended.
Hindi napigilan ni Lani na umiyak, followed by an AVP showing Bong’s surrender at the Camp Crame hanggang sa pinagdalhan sa kanya sa QC Jail Male Dormitory.
Narito ang bahagi ng speech ni Lani: “Marami ang humimok sa kanya na iwasan ang mga batikos at akusasyon.
“Marami ang nag-udyok na magtago.
“Ngunit hinarap niya ang lahat nang taas noo at buong tapang.
“Hinarap niya ito sa kabila ng sakit at malaking sakripisyo.
“Isinuko niya ang kanyang dangal at kalayaan dahil alam niya at nating lahat ang katotohanan.
“At kakampi ang katotohanan, tiyak tayong masisilayan ng dala nating liwanag ang kadilimang bumabalot sa atin ngayon.
“There is no greater power than prayer and it is through our prayers that justice will prevail.” Ronnie Carrasco III