Manila, Philippines – Nag-trending sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea Brillantes sa bagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ginawan na agad ng iba’t bang version ang mga behind-the-scenes video na kuha kay Andrea ng mga bystanders sa set ng “Batang Quiapo” habang kinukunan ang mga eksena nya.
Sobrang excited si Andrea sa kanyang career this year. Pagpasok pa lang ng 2025 may malaking teleserye agad siya at bonggang manager.
Ang mahusay at nirerespeto sa showbiz na si Shirley Kuan na ang bagong manager ni Andrea.
Nu’ng una ay si Shirley ang nagha-handle ng product endorsements ni Andrea. Kasama na si Andrea sa roster of artists na mina-manage ni Shirley.
For the longest time, si Shirley ang manager ng veteran and award-winning actor na si Albert Martinez.
Then, after umalis ni Bea Alonzo sa Star Magic ay personal niya na pinahanap si Shirley para mag-manage sa kanya.
Same thing with the award-winning and comebacking actress na si Hilda Koronel.
Pero kahit wala na sa Star Magic si Andrea, ang importante ay nanatili pa rin siya as one of Kapamilya’s prime artists.
Sa unang entrada pa lang nya sa “Batang Quaipo” ay nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca.
Singtindi ng aksyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa isang palaban na karakter. Malayung-malayo sa mga papel na ginampanan niya noon.
Wish pa ni Andrea na sana raw ay magtagal siya sa “FPJ’s Batang Quiapo.” Julie Bonifacio