MANILA, Philippines- Ipinagbabawal sa mga flight ang power banks na lampas 160 watt-hours, ayon sa abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Base sa CAAP regulation, posibleng payagan ang power bank sa hand-carry luggage subalit hindi ito dapat lumampas sa 100 watt-hours efficiency.
Subalit, kapag umabot sa 160 watt-hours, dapat aprubahan ng airline ang mga power bank upang madala sa flight.
Ipinagbabawal ang mga power bank sa check-in luggage dahil ito ay fire hazard, base sa abiso. RNT/SA