Home METRO Lasing timbog sa pagwawala at boga

Lasing timbog sa pagwawala at boga

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang lasing na kelot matapos magwala at maghasik ng takot habang armado ng baril sa Navotas City.

Base sa imbestigasyon ng Navotas City Police, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaki na lasing habang nagwawala sa Leongson Ext., Brgy. San Roque at armado ng baril.

Agad nagtungo ang mga awtoridad kung saan naroon ang suspek at nakita pa ng mga pulis ang suspek na nagsisigaw habang may bitbit na baril na nagresulta sa pagkakaaresto nito dakong alas-3:05 ng madaling araw.

Narekober sa suspek na si alyas “Boy” armado ang isang improvised firearm na kargado ng isang bala ng cal .45 kaya binitbit siya sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Art. 155 of RPC at R.A 10591. R.A Marquez