Home OPINION LAST NA LAST NA

LAST NA LAST NA

INAALALA pa rin ang kanilang kapakanan, muling pinalawig ni Pangulong Bongbong
Marcos ang pagkakataon para sa jeepney drivers at operators na sumali sa
consolidation o makapagtayo ng kooperatiba para mapabilang sa Public Utility Vehicle
Modernization Program.

Dapat ngayong February 1, tapos na ang taning sa mga PUV na di nakapagbuo ng
kooperatiba, ngunit isinaalang-alang pa rin ni PBBM ang mga naiwan upang makapag-
isip-isip at magdesisyon nang sumali sa consolidation.

Hanggang April 30, ang huling taning para sa mga maaari pang makasali sa PUVMP.

At sana, sabi nga ng aking kaibigang Presidential Adviser on Poverty Alleviation na si
Secretary Larry Gadon, dapat ay makiisa na ang mga tsuper at operator sa gobyerno
para sa PUVMP na ito.

Punto ni Gadon, maunawaan sana ng mga tsuper ang hangarin ng
pamahalaan na mapabuti ang kanilang sektor, kaya inihain ang modernisasyon. Wala
naman daw mahihirapan dito kung makikisama ang lahat ng tsuper at operator.

Ang iba nga sa mga tumalima na ay parang nababagot na, sa tila walang katapusang
pagpapalawig ng ‘deadline’ para sa consolidation. Ika-walong extension na kasi itong
huling pagbibigay ni PBBM.

At ang mayroong mga kooperatiba at mga modernong jeepney ay nahihirapan pa rin
makipagkumpetensiya sa mga karag-karag na traditional jeepneys sa mga lansangan,
ganoong dapat ay nagbubunga na nang maganda ang kanilang pagtalima sa PUVMP.

Talagang last na last na, naman na, itong huling extension, na nanggaling pa kay
Pangulong Marcos. Naramdaman kasi ni PBBM ang kalagayan ng mga maiiwan ng
PUVMP kaya nagdesisyon ito na magbigay pa ng huling pagkakataon para sa
extension.

Dahil dapat naman talagang umusad ang modernisasyon ng ating public transport
system.

2017 nang sinimulang itulak ang programa, ngunit sa dami ng mga tumututol ay
humaba nang humaba ang diskusyon, nagkagirian pa nga sa mga nagsitigil pasada, ‘di
makausad ang programa.

Ngayong may huling-huling palugit para ang lahat ay makasama na sa
modernisasyon, siguro naman ay sasama na at sasali ang mga naiwanan ng PUVMP.

Para din naman sa kabutihan ng lahat ang iibubunga ng PUVMP at ‘di lang para sa
mga tsuper at operator, higit sa lahat ay para sa mga mananakay.

Sa mga pasaherong walang angal kahit na magtaas pa ang halaga ng pamasahe
makarating lamang sa patutunguhan nang maayos at ‘di amoy usok, salamat.

“Para na Mama! Sali na sa PUVMP,” sabi ni PAPA Gadon.