Home OPINION UDRiVe GROUP OF COACHES, KATUWANG SA MENTAL HEALTH

UDRiVe GROUP OF COACHES, KATUWANG SA MENTAL HEALTH

TINALAKAY natin sa nakaraang kolum kung papaano malalabanan ang sobrang stress.
Masama din kasi ang epekto nito sa ating pisikal na pangangatawan at pag-iisip.  Maaaring magdulot ng depresyon at kamatayan kung hindi ito agarang
masosolusyunan.

Ayon sa World Health Organization, tinatayang nasa 5% ng adult sa buong mundo ang
dumaranas ng depresyon kung saan mas malaki ang porsiyento na apektado ang
babae kaysa lalaki. Puwedeng humantong sa suicide ang taong dumaranas nito.

Mabuti na lamang at may batas na pinaiiral ngayon tulad ng RA 11036 o Mental Health
Act at pinangungunahan ng Department of Health ang implementasyon nito. Nandiyan
din ang mga organisasyong katuwang ng pamahalaan at patuloy na nagmamalasakit sa
ating mga kababayan tulad ng UDRiVe Group of Coaches.

Personal nating nasaksihan ang pagmamalasakit ng grupong ito at naniniwala tayo sa
kanilang mga layunin at adbokasya.

Determinado ang grupo na lalong palakasin ang mental health ng ating mga
kababayan. Isang pagpapatunay ang kanilang inisyatibong Trauma Informed
Philippines 2030 kung saan  naging benepisyaryo ang 58 anyos at dating sikat na
aktres na si Brandy Ayala o Remedios Estrada sa tunay na buhay na dumanas din ng
depresyon at isa sa mga tinutulungan ng UDRiVe group.

Pero nasaan na nga ba si Brandy ngayon?

Dahil sa programa ng UDRiVe group at dahil sa pakikipagtulungan ng ibang grupo at
pamilya, nailigtas si Brandy mula sa kapahamakan at kasalukuyan itong ginagamot sa
isang recovery center sa Cebu City. Panoorin ang buong video na may pamagat
na “Brandy Ayala: Ang Lihim na Katotohanan” sa YouTube channel accounts
‘JAVIMANUEL2.0’ at ‘UDRiVeGroupofCoaches’. Mapapanood din ito sa Facebook
page account na ‘UDRiVe Group’.

Maliban sa patuloy na pagmomonitor ng grupo sa kalagayan ni Brandy sa Cebu City,
isinagawa ng UDRiVe group ang isang special screening na alay ng grupo para sa
kaniyang mga ka-baranggay nito lamang nakaraang Martes ng gabi sa covered court
ng Barangay 91, Tondo, Manila. Napanood ng humigit-kumulang 200 katao ang  nakai-
inspire na kwento ng pagbabago at pag-asa ni Brandy. Nagkaroon din ng mga palaro at
pa-raffle na nilahukan ng mga bata at matatanda bilang pasasalamat ng grupo sa
komunidad na nangalaga at umalalay sa pag-rescue sa dating aktres.

Hindi na talaga mapipigilan ang UDRiVe Group of Coaches sa kampanya nila sa mental
health. Kaya para sa inyo Poy De Lara, Arra Diño, Sheena Valencia, Rowi Rizala,
Cheenee De Leon, Stephanie Letrondo, Javi Manuel, Monica Tawide, Ronna Rima,
volunteers at officers and staff, MABUHAY!

Previous article“UNMODIFIED OPINION AUDIT” IGINAWAD SA DOLE, APAT NA MAGKAKASUNOD NA TAON
Next articleLAST NA LAST NA