Home OPINION “UNMODIFIED OPINION AUDIT” IGINAWAD SA DOLE, APAT NA MAGKAKASUNOD NA TAON

“UNMODIFIED OPINION AUDIT” IGINAWAD SA DOLE, APAT NA MAGKAKASUNOD NA TAON

Bilang suporta sa “Kadiwa ng Pangulo,” pinangunahan ng Kagawaran ng Paggawa ang “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” noong nakaraang taon upang mailapit ang abot-kaya at de-kalidad na mga produkto sa mga manggagawa.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, ang aktibidad na pinangunahan ng DOLE ay nakapagbenta ng mahigit Php 6.4 million  sa buong bansa.

Alinsunod sa mandato nito na mapanatili ang maayos na ugnayan ng namumuhunan at manggagawa (Employer at Employee relationship), at kapayapaan sa industriya, nagbigay ang Kagawaran ng LEES o Labor Employment and Education Services sa humigit-kumulang 735,280 manggagawa, employer, at sa mga magsisipagtapos na mga estudyante.

Samantala, nasa 4,236 na miyembro ng unyon ang nabigyan ng pagsasanay at 166 na miyembro ng unyon o ang kanilang mga dependent, ang nabigyan ng scholarship grant sa ilalim ng WODP o Workers Organization Development Program.

Sa usapin ng case management, 94,120 sa 105,111 na mga kasong hinahawakan ang naisaayos sa ilalim ng iba’t ibang alternative dispute mechanism ng Kagawaran. Nagresulta ito sa pagkakaloob ng monetary benefits na humigit-kumulang  Php 17.264 billion  sa 154,041 na manggagawa.

Binigyang-diin ni Kalihim Laguesma na ang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng Kagawaran, lalo na ang pangunahing programa nito na TUPAD, ay sumusunod sa mga umiiral na alituntunin at mga panuntunan sa pag-audit.

Patunay ng pangako ng DOLE sa maayos at masinop na paggamit ng pondo ng bansa ang ‘Unmodified Opinion Audit’ na iginawad sa Kagawaran ng COA o Commission on Audit sa apat na magkakasunod na taon.

Sa ilalim ng bagong tatak ng pamamahala ng “Bagong Pilipinas”, nangangako ang Kalihim na ang DOLE, kasama ang mga opisyal at kawani nito, ay patuloy na magbibigay sa mga manggagawang Pilipino ng mabilis at tapat na serbisyo-publiko at pa­tuloy na tutulong upang kanilang makamit ang isang “matatag, maginhawa, at panatag na buhay”.