Home NATIONWIDE Partisipasyon ng pribadong sektor sa nuclear power gagawan ng polisiya ng DOE,...

Partisipasyon ng pribadong sektor sa nuclear power gagawan ng polisiya ng DOE, NEDA

MANILA, Philippines – GUMAGAWA na ang gobyerno ng Pilipinas ng isang policy framework para payagan ang pribadong sektor na magpartisipa sa nuclear power generation.

“In the case of the Philippines, the Department of Energy is working with the National Economic and Development Authority (NEDA) on the enabling policy framework for private sector participation in the nuclear power space,” ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Business Advisory Council (ABAC) virtual roundtable discussion ukol sa page-explore ng nuclear at umuusbong na teknolohiya.

Sa kabilang dako, nais naman ni Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. na i-adopt ang nuclear energy bilang bahagi ng power mix ng bansa, subalit ang estratehiya ng pamahalaan ay dapat na muling pinag-iisipan.

“I believe it is time to re-examine our strategy towards building nuclear power plants in the Philippines,” ayon sa Pangulo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang taon.

Gayunman, sinabi ng DOE, na kailangan na maghintay pa ang Pilipinas ng 10 taon para makita ang isang “working nuclear power plant,” kailangang panahon para sa “feasibility studies” at iba pang dahilan.

“Now, our Congress is currently working on the legal and regulatory framework,” ayon kay Lotilla.

Sa ulat, nakausad na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong magtatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Ways and Means Committee sa tax at revenue provisions ng substitute bill ng “Philippine National Nuclear Energy Safety Act.”

Nakapaloob din sa panukala ang palalatag ng isang komprehensibong “legal framework” para sa “radiation safety” at standards para sa maayos at ligtas na paggamit ng nuclear energy.

Gayundin ang rekisitos sa authorization at regulation ng nuclear energy applications. Kris Jose