MANILA, Philippines – TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na “on the right track” ang economic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang isang taon ng kanyang panunungkulan bilang pang-17 Pangulo ng Pilipinas.
Sinabi ni Gatchalian na nakatuon ang economic agenda ng administrasyong Marcos na tiyakin na ang mga mahihirap at ang vulnerable sectors ay protektado hindi lamang sa lahat ng sakuna at kalamidad kundi maging sa epekto ng mataaas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Early on, I can say that President Marcos’ heart is in the right place since his main concern is the livelihood and well-being of the poor, marginalized and vulnerable sectors of society. And this has been his guide during the first year of his presidency,” ayon kay Gatchalian.
Inalala naman ni Gatchalian ang pakikinig niya sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos noong nakaraang taon sabay sabing batid na niya na ang Pangulo ay may “malaking puso” para sa mga mahihirap lalo na sa mga magsasaka.
Sa unang SONA, hiniling ni Pangulong Marcos sa Kongreso na ipasa ang batas na naglalayong payagan na makapag-loan ang 654,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), sakop nito ang unpaid amortization at interest na nagkakahalaga ng P58.125 billion.
Inatasan din ng Pangulo ang DSWD na agad na tulungan ang mga nabiktima ng natural disasters gaya ng bagyo, baha at lindol.
“This would mean the pre-positioning of relief goods in DSWD’s field offices and local government units (LGUs) such as family food packs as well as non-food essentials that include flashlights, first aid kits and medicines for typhoon and flood-related ailments,”anito.
Wala naman aniya siyang ideya na hihilingin sa kanya ng Pangulo na pamunuan ang DSWD na may layuning bawasan ang poverty incidence at gawing tsingle digit gamit ang whole-of-government approach.
“The President’s marching order is for the DSWD to use the entire machinery of government to achieve the goal of poverty incidence reduction by single digit,” ayon kay Gatchalian.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian sa DSWD, ang mga satellite office sa Bulacan, Antipolo, at Northern, Southern at Eastern Metro Manila ay naitatag at lahat ay “completely operational.”
Sa unang SONA pa rin ng Punong Ehekutibo, inulit nito ang pangangailangan para sa DSWD na suriing mabuti ang listahan ng mga benepisaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, patuloy na ipinatutupad ng departamento kung saan libo-libong pamilya ang inaasahan na magtatapos o ga-graduate mula sa programa ngayong taon.
Binanggit din ng Chief Executive ang supplemental feeding programs for children na naka-enroll sa ilalim ng Child Development Centers and Supervised Neighborhood Play ay ipagpapatuloy ay palalawakin sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Hindi rin natin nakakalimutan ang mga solo parent at mga nanay na nahiwalay sa kanilang mga mister dahil sa karahasan. Pagtitibayin natin ang programa sa Violence Against Women and their Children, kabilang na ang counselling para sa mga biktima, katuwang ang mga LGU,” ayon kay Gatchalian.
“The President’s heart was also in the right place when he greenlighted the WALANG GUTOM 2027: Food Provision through Strategic Transfer and Alternative Measures Program (Food STAMP Program), which aims to decrease incidence of involuntary hunger experienced by low-income households and make them productive citizens of the country,” aniya pa rin.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang job generation, nagresulta ng pagbaba ng unemployment rate mula 5.2% noong Hulyo 2022 hanggang 4.5% noong Abril 2023 batay sa official data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Pinuri naman nito ang programa ng Pangulo na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project.
“This is no longer a campaign promise but a concrete program of the Marcos administration to provide decent housing to low-income Filipinos whose long-cherished dream of having their own home can now be realized,” ani Gatchalian.
Tinukoy naman ni Gatchalian ang report ng World Bank na ang Pilipinas, sa ilalim ng administrasyong Marcos ay “on track” na maging upper-middle income status country sa 2025.
“One year after President Marcos assumed office, I can say that the State of the Nation is Healthy and Strong,” dagdag na wika ni Gatchalian. Kris Jose