Home OPINION PAGDAMI, PAGBILI NG LUPA AT ARI-ARIAN NG MGA CHINESE, IMBESTIGAHAN

PAGDAMI, PAGBILI NG LUPA AT ARI-ARIAN NG MGA CHINESE, IMBESTIGAHAN

SA gitna nang napaulat na pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese sa ilang unibersidad sa Cagayan province, mabilis ang kilos ni Sen. Risa Hontiveros upang maimbestigahan ang napaulat na paggamit ng mga ito ng mga pekeng dokumento upang makapagpanggap na mga Pilipino.

Talaga namang kwestiyunable ang mga ipinakikitang identification ng mga Chinese na naririto sa Pilipinas hindi lang upang mag-aral subalit maging pagnenegosyo ay pinasok rin nila. Kapag nagtungo nga sa Divisoria lang, karamihan ng mga may-ari ng stalls sa 168, 999, Divisoria Mall, Tutuban Mall, 1038 Mall at maging Lucky China Town ay pawang mga “Tsekwa.”

Maging ang mga condominium units sa Binondo, Tondo, Sta Cruz at maging sa gawi ng Pasay, Las Pinas at Paranaque at  maging Alabang ay mga Chinese na ang nakabili at nagmamay-ari. At pawang ang identification nila o ID nila ay nakalagay na sila ay Filipino Citizen.

Kaya tama lang naman ang hakbang ng senadora na himukin ang Committee on National Defense and Security na pinamumunuan ni Sen, Jinggoy Estrada na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at siyasatin ang dahilan ng presensiya ng mga dayuhan sa bansa ay dapat susugan at suportahan.

Posibleng tama ang instinct (woman’s instinct) ni Hontiveros na banta ang sa ating seguridad ang pagdating ng mga Chinese sa iba’t ibang lalawigan sa ating bansa.

Ayon sa senadora, may karapatan ang publiko na maalarma dahil sa kaliwa’t kanan na pagbomba ng tubig ng China sa barko ng ating mga tropa sa West Philippine Sea.

Palaging bukas ang bansa sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo na gustong mag-aral sa Pilipinas ngunit ibang usapin kapag peke na ang papeles na ginagamit upang masabing nakapag-enroll sa mga paaralan sa bansa.

Karamihan pa ng mga mag-aaral na ito na nasa Pilipinas ay pawang bata pa at mukhang militar.

Paobserbahan sana ng mga nasa Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense ang mga condominium unit sa Pasig at Mandaluyong Cities dahil kapag alas 10 ng gabi hanggang alas 11 ay magugulat na lang ang ilang Pinoy na nasa convenience stores sa lugar dahil bigla-bigla na lang napupuno ng mga Chinese na hindi batid ang pinag-uusapan at dahilan nang kanilang pagtitipon-tipon.

Bukod pa riyan, dapat ding maimbestigahan ng komite ni Estrada ang pagbili ng mga Chinese sa mga lupain at mga ari-arian sa Bulacan, Pampanga, Tarlac at Pangasinan.

Hindi kaya magulat na lang tayo isang araw na mas marami pa sila kesa sa ating mga Pinoy at pag-aari na nila ang karamihang lupain sa Pilipinas? Hindi naman imposible yan dahil marami sa ating mga kababayan ang handang ibenta ang kanilang kababayan pati kaluluwa para lang sa kwarta.