Home HOME BANNER STORY Mga tagasunod ni Quiboloy, disarmahan din – Hontiveros

Mga tagasunod ni Quiboloy, disarmahan din – Hontiveros

MANILA, Philippines – Kasunod ng pagbawi sa lisensya ng mga baril ng “Appointed Son of God” at Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Apollo Quiboloy, dapat na ring disarmahan ang “private army” nito, sinabi ni Senador Risa Hontiveros.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangang siguruhin ng PNP na ang mga miyembro ni Quiboloy ay “firearm-free.”

“Tiyakin din sana ng PNP na walang mga armas niya ang maiwan sa mga miyembro niya. Dapat lang na mabuwag na ang private army niya, na todo-balandra rin ng kanilang mga baril sa social media,” ani Hontiveros.

Si Hontiveros ang nangunguna sa imbestigasyon ng mga krimeng ginawa umano ni Quiboloy.

Siya rin ang unang naglantad ng mga salaysay ng mga biktima.

Kabilang sa mga alegasyong kinakaharap ni Quiboloy ay ang large-scale human trafficking at rape.

Samantala, umaasa ang senador na maaaresto na si Quiboloy na patuloy pa ring nagtatago hanggang ngayon. RNT/JGC