Home OPINION MAY BIGAS NA, MAY PERA PA SA ELEKSYON

MAY BIGAS NA, MAY PERA PA SA ELEKSYON

KUNG bibigyan ka ng bigas at pera ng gobyerno bago at matapos ang halalan, tatanggi
ka ba?

Sagot!

Sa Indonesia ito nagaganap, mga brad, na ang halala’y gaganapin sa darating na
Pebrero 14, 2024.

Mula Enero hanggang Marso ang bigayan ng cash na may kabuuang halagang P2,100
para sa bawat mahirap na pamilya at makikinabang dito ang 18.8 milyong pamilya.

Tigsa-10 kilong bigas naman ang ibibigay sa bawat pamilya mula Enero hanggang
Hunyo 2024 at makikinabang dito ang 22 milyong pamilya.

Nauna rito, binigyan na ang nasabing mga benepisyaryo ng mahigit P2,800 para sa
Nobyembre at Disyembre nitong nakaraang taon.

Sabi ng gobyerno, panlaban ng mahihirap ang mga bigay na cash sa mataas na presyo
ng pagkain.

Makatutulong din ang cash bilang pambili ng mahihirap ng kanilang pangangailangan at
makatutulong ito sa pag-angat ng ekonomiya ng Indonesia.

Panlaban naman ang bigas ng posibleng kakulangan ng ani sa Marso-Abril 2024 dahil
sa pagpalo ng El Niño sa mga sakahan.

At sa katunayan, may order na ang Indonesia mula sa ibang bansa ng dalawang
milyong tonelada bilang pampuno sa inaasahang kakulangan ng ani sa kanila sa taong
2024.

Kaugnay nito, binira ng mga kritiko ang pamimigay ng pamahalaan ng nasabing mga
ayuda sa mahihirap dahil pampolitika o “panghakot ng boto” lang ang mga ito.

Sa katunayan umano, magmumura ang bigas sa panahon ng anihan at walang dahilan
para sabihing panlaban sa darating na pagmahal na bigas ang mga ayudang cash.

Ano-ano nga ba ang mga iskor dito, mga brad?

Bigla tuloy naalaala ng Lupa’t Langit ang nagaganap tuwing may halalan, kasama ang
People’s Initiative na may konek sa halalang 2025 at 2028 sa Pinas.

May cash, bigas at iba pang mga bigay ng mga pulitiko.

Marami ring nakaupo sa gobyerno ang gumagamit ng pondo ng gobyerno para sa
kanilang pangangampanya para makarami ng boto.

“Sanaol!” ang dasal ng nakararami. Naku!!!

Previous articleLAST NA LAST NA
Next articleNAGKANDALETSE-LETSE NA SA PI AT CHA-CHA