Home METRO Lava fountaining naitala sa Mayon

Lava fountaining naitala sa Mayon

135
0

ALBAY, Philippnes – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lava fountaining sa Mayon Volcano noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naganap ito bandang 8:23 p.m. at 8:40 p.m., na nagdulot ng ash clouds na umabot sa 400 metro ang taas bago tinangay pa-kanlurang timog.

Dagdag pa ng ahensya, nagpapatuloy na sa ika-82 araw ang effusive eruption ng bulkan, na nagbubunga ng pagdaloy ng lava, pyroclastic density currents o “uson,” at pagguho ng bato.

Nananatili ang Alert Level 3 sa Mayon Volcano, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here