Home METRO 2 photojournalist utas sa rumaragasang ilog sa Benguet

2 photojournalist utas sa rumaragasang ilog sa Benguet

151
0

BENGUET, Philippines – Dalawang photojournalist ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng Agno River ang sinasakyan nilang SUV sa Itogon, Benguet noong Biyernes ng hapon, Marso 27.

Ayon sa Police Regional Office–Cordillera (PRO-CAR), naganap ang insidente bandang 1:20 p.m. sa Sitio Tabu, Barangay Dalupirip nang tangkaing itawid sa ilog ang sasakyan ngunit hindi kinaya ang lakas ng agos.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ompong Tan, driver ng sasakyan na idineklarang dead on arrival sa ospital, at si Neil Clark Ongchangco, na narekober ang katawan bandang 7:05 p.m.

Si Ongchangco ay photo correspondent ng Inquirer, habang si Tan ay freelance news photographer.

Galing ang grupo sa Tabu Elementary School kung saan nagsagawa sila ng graduation pictorial bilang bahagi ng sponsorship activity at pauwi na sana sa Baguio City.

Ayon sa pulisya, ang itim na Toyota Fortuner ay tinangay ng agos at inanod ng humigit-kumulang 100 metro bago huminto na kalahating nakalubog sa tubig.

Apat pang pasahero—sina Ren Munoz, Eliza Consul, Conrado Rotor, at Randy Benigno—ang nakaligtas matapos makalabas sa sasakyan at matulungan ng mga residente.

Dinala sila sa ospital ngunit wala pang detalye sa kanilang kondisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here