Home NATIONWIDE Learning losses sa mga suspensyon ng klase, tutugunan ng DepEd

Learning losses sa mga suspensyon ng klase, tutugunan ng DepEd

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Education (DepEd) na tinutugunan na ng ahensya ang “learning losses” dahil sa mga pagkaantala ng klase sa mga nagdaang bagyo ngayong taon.

Ilang lugar pa sa bansa ang nakapagtala ng 35 araw ng suspensyon ng klase.

Sa pahayag, sinabi ng DepEd na nakipagkita na ito sa National Management Committee (ManComm) para suriin ang mga paraan para masolusyunan ang isyu.

Kabilang dito ay ang pagpapatupad ng Dynamic Learning Program (DLP) na magsisiguro ng “learning continuity especially in affected regions.”

Sisimulan ito sa pamamagitan ng make-up classes at catch-up sessions maging sa temporary set-ups.

“The initiative features parallel classes, activity-based engagement, student portfolios, and a reduced homework policy,” saad sa pahayag.

“DLP is just one in the cascade of interventions to DepEd’s field offices. DepEd’s partner Khan Academy also showcased their platform during the meeting. This aims to supplement the learners’ skills and knowledge, through the Khan PH’s online learning content,” dagdag pa.

Sa record ng DepEd, ngayong school year ay mayroon nang 35 class disruptions ang Cordillera Administrative Region (CAR), na maikokonsiderang pinakamalaking bilang ng nawalang pasok sa klase dahil sa mga kalamidad.

Ang Cagayan Valley, Calabarzon, Central Luzon at Ilocos regions ay mayroon namang “at least 29 class disruptions each.”

Ikinokonsiderang nasa “very high risk” ang 239 paaralan sa buong bansa sa learning losses dahil sa mga kalamidad.

Matatandaan na sa nakalipas na apat na linggo ay sunod-sunod ang naging pagbayo ng mga bagyo sa Pilipinas. RNT/JGC