MANILA, Philippines – Kakaiba ang sunod-sunod na mga bagyo na tumama sa Pilipinas ngayong Nobyembre, ayon sa NASA.
Ibinahagi ng space agency nitong Huwebes, Nobyembre 14 ang satellite image na nagpapakita ng mga bagyong Marce, Nika, Ofel, at Pepito na nakapila sa western Pacific noong Nobyembre 11.
“In an unusual sight, four storms churned simultaneously in the Western Pacific Ocean in November 2024,” sinabi ng NASA.
“The Japan Meteorological Agency reported that it was the first time since records began in 1951 that so many storms co-existed in the Pacific basin in November,” dagdag pa nito.
“November typically sees three named storms, with one becoming a super typhoon, based on the 1991-2000 average.”
Kumitil na sa buhay ng 159 katao ang sunod-sunod na mga bagyo.
Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ng bansa ang pagdating ng Bagyong Pepito na maaaring mag-landfall sa eastern Bicol o Central Luzon ngayong weekend.
“Typhoons are overlapping. As soon as communities attempt to recover from the shock, the next tropical storm is already hitting them again,” sinabi naman ni Gustavo Gonzalez, UN humanitarian coordinator sa Pilipinas.
“In this context, the response capacity gets exhausted and budgets depleted.”
Sa pagtaya ng UN, nasa 207,000 tirahan ang napinsala sa mga nagdaang bagyo at 700,000 katao ang tumutuloy sa mga evacuation center.
Climate change ang isa sa itinuturong dahilan ng mabilis na pagkakabuo at paglakas ng mga bagyo sa Asia-Pacific region. RNT/JGC