Home NATIONWIDE 3,200 tirahan, 400K katao sapul sa Bagyong Nika, Ofel

3,200 tirahan, 400K katao sapul sa Bagyong Nika, Ofel

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 3,214 tirahan ang napinsala sa pananalasa ng bagyong Nika at Ofel, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Nobyembre 15.

Sa ulat, sinabi ng NDRRMC na 2,922 tirahan ang partially damaged habang 292 ang totally damaged sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Karamihan sa mga napinsalang tirahan ay iniulat sa Cagayan Valley sa 2,739.

Apektado rin ng pagbaha at masamang panahon dulot ng Bagyong Nika at Ofel ang 419,923 katao o 109,263 pamilya sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at CAR.

Ang Cagayan Valley ang may pinakamaraming apektadong resident sa 228,635 katao o 58,171 pamilya.

Dalawa ang iniulat na sugatan sa pananalasa ng dalawang bagyo.

Samantala, idineklara ang state of calamity sa Dilasag, Aurora dahil sa epekto ng nagdaang bagyo. RNT/JGC