Home HOME BANNER STORY Partial ops ng LRT-1 Cavite extension magsisimula na bukas

Partial ops ng LRT-1 Cavite extension magsisimula na bukas

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsimula na bukas, Nobyembre 16, 2024 ang partial operation ng LRT1 Cavite Extension sa lima nitong bagong istasyon.

“Mag-start na ng operation bukas ng alas singko ng umaga,” anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng inauguration ceremony ngayong Biyernes.

“Kaya hinihikayat ko lahat ng ating commuter na subukan ninyo at makikita niyo napakaginhawa kumpara sa trapik na nararanasan natin araw-araw,” dagdag ng Pangulo.

Ang Phase 1 ng extension project ay nagdurugtong sa Baclaran Station sa Pasay City patungo sa Dr. Santos Station sa Parañaque City.

Mayroon itong limang istasyon. Ito ay ang Redemptorist-ASEANA Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos (formerly Sucat) Station.

Inaasahang mababawasan nito ang oras ng byahe mula Paranaque City patungong Quezon City ng halos isang oras at makapagbibigay-serbisyo sa nasa 80,000 pasahero na dagdag sa 323,000 daily ridership ng LRT1.

Sa ilalim ng LRT1 Cavite Extension project, target ng DOTR na magbukas ng kabuuang walong bagong istasyon.

“Once fully operational, the entire stretch of the LRT-1 Cavite Extension Project will reduce travel time from Baclaran in Paranaque to Bacoor, Cavite to 25 minutes,” sinabi ng DOTR. RNT/JGC