MANILA, Philippines – Lumakas pa at naging isang ganap nang bagyo ang Severe Tropical Storm Pepito nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 15, ilang araw bago ang inaasahang landfall nito.
Samantala, sinabi ng PAGASA na humina naman ang bagyong Ofel at isa na lamang severe tropical storm.
Huling namataan ang Bagyong Pepito sa layong 675 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar at kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro kada oras at pagbugso na 160 kilometro kada oras.
Huli namang namataan ang Severe Tropical Storm Ofel sa layong 190 kilometro hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan at kumikilos pa hilaga, hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
May lakas ito nang hangin na aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa Bagyong Pepito sa mga sumusunod na lugar:
Catanduanes
Eastern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
Eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma,Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi)
Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi)
Eastern at southern portions ng Sorsogon (Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, Castilla)
Northern Samar
Northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid)
the northeastern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan)
Inaasahang tatawirin ng Bagyong Pepito ang Luzon ngayong weekend. RNT/JGC