Manila, Philippines- Sumama na ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para protektahan ang mga kabataang Filipino sa mapanganib na tinatawag na terror-grooming na pamamaraan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni COCOPEA President Rev. Father Albert Delvo, sa pulong balitaan ng NTF-ELCAC, na naniniwala ang 1,500 nilang miyembro na mahalaga ang pagsasama-sama para isulong ang kapayapaan at kaunlaran.
“We are all available to engage groups, including NTF-ELCAC, with the noble intention of advancing and realizing true peace and good unity,” ang sabi ni Fr. Delvo.
Sa pulong balitaan na rin na iyon, ipinunto naman ni Dr. Dennis Coronacion, Chairperson ng University of Santo Tomas’ Political Science Department, na mahalaga na malaman ng lahat na kailangan ang ‘holistic approach’ para mapangalagaan ang mga kabataan sa panre-recruit sa kanila na sumali sa CPP-NPA-NDF.
“It takes the entire community to prevent the recruitment process,” paliwanag ni Coronacion.
Ipinunto pa ni Coronacion na mahalaga ring ipagbigay-alam sa mga kabataan ang maling idelohiya ng mga komunistang-terorista upang makaiwas sila sa pagsali rito.
Ito umano ang dahilan kung bakit nakipagkaisa ang COCOPEA sa NTF-ELCAC na gumagalaw at nakikipaglaban sa propaganda ng mga kaliwa.
Sa ginawang Executive Committee meeting sa Malacañang noong November 8, tinuran ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang COCOPEA ay kabahagi na nila bilang private sector representative.
“This collaboration will significantly enhance our information campaigns against terror grooming by groups like the CPP-NPA-NDF, which is designated as a terrorist organization under the Anti-Terrorism Act,” ang sabi pa ni Torres.
Ang COCOPEA at ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ay kumakatawan sa halos 1,500 private Catholic schools nationwide na nakikilahok dito.
Ang alyansa ay nagbunga sa pagdaraos ng 1st Colloquium on the Prevention of Terror Grooming and Violent Extremism, noong November 11 sa Novotel Manila.
Nagsama-sama rito ang academics, policymakers, students, at mga mismong dating rebelde upang talakayin, paano magkaroon ng matatag na kumunidad para labanan ang mga pesteng komunistang-teroristang. RNT