Home ENTERTAINMENT Lee, deported na, di na puwedeng bumalik sa Pinas!

Lee, deported na, di na puwedeng bumalik sa Pinas!

San Francisco, USA – Nito lang April 11 inilabas ng Bureau of Immigration ang anunsyo pero gabi pa ng April 8 naipa-deport si Lee O’Brian sakay ng San Francisco-bound plane patungong US.

Si Lee ang dating karelasyon ni Pokwang, Marietta Subong sa totoong buhay.

Matatandaang idinulog ni Pokwang ang kanyang reklamo sa BI dahil natuklasang walang kaukulang permit si Lee para makapagtrabaho sa bansa.

Back in the US ay aktor si Lee.

May mga kinabilangan din siyang film projects dito.

Wala namang pending case si Lee sa bansa.

Ang masaklap nga lang ay paano ipaliliwanag ni Pokwang sa kanilang anak na si Malia na nasa listahan na ng mga blacklisted na dayuhan ang ama nito.

Ibig sabihin, hindi na muling makakabalik si Lee sa Pilipinas.

Matatandaang noong December 2023 nang maipanalo ni Pokwang ang kanyang kaso laban sa dating live-in partner.

Nagsampa naman si Lee ng motion for reconsideration pero dinenay ito.

Kamakailan lang ay nagparinig si Pokwang sa bagong nobya ni Lee sa social media.

Iniaapela pa rin ng komedyana ang sustento kay Malia mula kay Lee sa halip na paggo-golf ang inaatupag at “pakikipaglandian” nito sa nobya. Ronnie Carrasco III