MANILA, Philippines- Tatalakayin ngayong araw ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at National Bureau of Investigation (NBI) ang legal na proseso para kay dating Palawan Governor Joel Reyes.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng PTFoMS kahapon na sumuko na ang dating gobernador.
Si Reyes ay akusado sa pagiging mastermind sa pagpatay sa radio broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega na matinding kritiko ng administrasyon ng dating gobernador at ng illegal mining operation sa naturang lalawigan.
Pagkatapos ng pagpupulong ay pupuntahan ng NBI at ng PTFoMS ang dating Palawan governor na ngayon ay naka-confine sa isang ospital sa Metro Manila.
Magugunitang Enero 24, 2011 ng tinambangan at pinagbabaril hanggang sa napatay si Ortega sa San Pedro Village, Puerto Princesa City, Palawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden