Home NATIONWIDE Lenten season inilarawan ni Pope Francis na ‘time of healing’

Lenten season inilarawan ni Pope Francis na ‘time of healing’

VATICAN – Sinabi ni Pope Francis nitong Linggo na nararanasan niya ang Kuwaresma bilang panahon ng pagpapagaling, kapwa pisikal at espirituwal, habang patuloy siyang gumagaling mula sa bilateral pneumonia.

Naglabas ang Vatican ng teksto ng kayang Angelus address na na nakasulat, dahil ang 88-taong-gulang na pontiff ay muling hindi nakabasa.

Inaasahang magsisimula ng dalawang buwan na pagpapagaling ang Papa, na nakalabas mula sa ospital ng Gemelli ng Roma isang linggo na ang nakalipas kasunod ng 38-araw na pananatili doon.

“Let us live this Lent as a time of healing, all the more as it is the Jubilee,” sabi ni Francis sa kanyang Angelus address.

“I too am experiencing it this way, in my soul and in my body.”

Nagpahayag din pasasalamat sa mga tao na isnpirado ng imahe ng tagapagligtas, na nagsisilbing instrumento ng pagpapagaling para sa iba–sa pamamagitan ng kanilang mga saita, kadaluhhasaan, habag at mga panalangin. Jocelyn Tabangcura-Domenden