Home NATIONWIDE LGUs, market execs tutulong sa DTI, DA sa pagpapatupad ng rice price...

LGUs, market execs tutulong sa DTI, DA sa pagpapatupad ng rice price cap

222
0

MANILA, Philippines- Sanib-pwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Metro Manila mayors at mga administrador ng public at private markets na tutulong sa Departments of Trade and Industry (DTI) at Agriculture (DA) para masiguro na maipapatupad ang rice price cap gaya ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Matatandaang ipinalabas ni Pangulong Marcos ang EO 39 noong Agosto 31,  na may ‘mandated price ceiling,’ para sa regular milled rice ayna P41 kada kilo habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay P45 kada kilo, simula bukas, Setyembre 5.

“Dahil sa kalokohan ng iilang mga tao na hino-hoard at mina-manipulate ang presyo ng bigas, galit na galit ang ating Presidente kaya ipapatupad ngayon ang mandated price ceilings sa bigas,” ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr.

Sa isinagawang meeting na pinangunahan ni Abalos at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chair Don Artes, nangako ang Metro Manila local government units (LGU) chief executives na susuportahan ang implementasyon ng  EO 39  sa pamamagitan ng kanilang local price coordinating councils at tutulong na ipalaganap at ipakalat ang EO 39.

Kabilang naman sa mga dumalo sa pulong sina Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon City, John Reynald Tiangco ng Navotas City, Ike Ponce ng Pateros at Wes Gatchalian ng Valenzuela City.

Winika naman ni Abalos na umaasa siya na tutulong din ang market masters na may mahalagang papel sa epektibong implementasyon ng Presidential directive sa rice prices cap.

“Susi ang market masters dito. Magtulungan tayong lahat para siguruhing sinusunod ang price ceilings sa bigas, kasama ang pulis at ang MMDA. Ang importante ay magkaroon ng tuloy-tuloy na supply ng bigas sa tamang presyo,” dagdag na pahayag ni Abalos.

Samantala, inatasan naman ni Abalos ang Philippine National Police  na tumulong sa pagpapatupad ng EO 39. Kris Jose

Previous articleOTOP para sa post-pandemic recovery ng MSMEs – Romualdez
Next articleAssociate Justice Peralta itinalagang CA acting presiding justice

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here