Home NATIONWIDE Associate Justice Peralta itinalagang CA acting presiding justice

Associate Justice Peralta itinalagang CA acting presiding justice

MANILA, Philippines- Si Associate Justice Fernanda Lampas Peralta ang kasalukuyang acting presiding justice ng Court of Appeals (CA) sa mandatory retirement noong Sept. 2 ni Presiding Justice Remedios A. Salazar Fernando.

Bilang most senior associate justice, pamumunuan ni Peralta ang CA, ang ikalawang highest court sa bansa, hanggang italaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. ang kahalili ni Fernando.

Hindi pa naisusumite ng Judicial and Bar Council (JBC), ang constitutional office na nagno-nomina sa appointments sa hudikatura, ang nominees para sa pwesto ng CA presiding justice.

Nauna nang inanunsyo ng JBC na bukod kay Peralta, ang iba pang aspirants ay sina CA Associate Justices Nina G. Antonio-Valenzuela, Ramon M. Bato Jr., Apolinario D. Bruselas Jr., Mariflor P. Castillo, Marlene B. Gonzales-Sison, at Edwin D. Sorongon.

Nagsagawa rin ang JBC ng public interviews sa aspirants at inaasahang malapit nang ianunsyo ang nominees nito.

Sa ilalim ng Konstitusyon, kailangang magtalaga ng Pangulo ng kapalit sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng vacancy. RNT/SA