Home NATIONWIDE OTOP para sa post-pandemic recovery ng MSMEs – Romualdez

OTOP para sa post-pandemic recovery ng MSMEs – Romualdez

MANILA, Philippines- Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na simula na ang pagbangon muli ng micro, small, and medium enterprises (MSME) na naapektuhan ng pandemic sa pagsasabatas ng One Town, One Product (OTOP) Philippines Act.

“The OTOP Philippines Act is the true embodiment of the Filipino first policy. This is exactly the kind of attitude we need to aid in the recovery of MSMEs, which make up 90 percent of all local business, following the pandemic,” paliwanag ni Romualdez.

Ang Republic Act (RA) No. 11960 o “Act Institutionalizing the OTOP Philippines Program” ay naisabatas noong
Agosto 25.

Nakatuon ang nasabing batas na makalikha ng ekonomiya na kayang tumayo sa sarili at kontrolado ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga polisiya at programa na magpapalakas sa aktibidad ng mga lokal na negosyo at magpapaangat sa ekonomiya.

“The State shall likewise promote the preferential use of Filipino labor, domestic materials, and locally produced goods, and adopt measures to make them competitive,” nakapaloob sa nasabing batas.

“The OTOP Philippines Program is hereby institutionalized and shall be one of the government’s stimulus programs that will encourage the growth of MSMEs in the countryside through the development of indigenous raw materials, utilizing local skills and talents and featuring local traditions across the country; Provided, that simplified requirements and procedures shall be adopted for beneficiaries to easily access the components of the program,” sabi pa sa RA 11960.

Saklaw ng OTOP Philippines Program ang mga produkto at mga skills-based na serbisyo na kilala sa partikular na lugar. Kasama dito ang pagproseso ng pagkain, mga agricultural-based product, home at fashion products, arts at crafts, at skills-based services.

Ani Romualdez, sa pamamagitan ng OTOP Program ay umpisa nang makababangon muli ang MSMEs na hudyat na rin ng paglago ng ekonomiya ng bansa matapos ang pandemic.

Ang bagong batas ay nagbibigay ng package ng ayuda sa mga MSME upang makalikha ng mga bago, at de-kalidad na produkto na kayang lumaban sa mga produktong gawa sa ibang bansa.

“It also aims to assist rural communities in growing the local economy and being more market-oriented and innovation-driven, as well as promote convergence of initiatives from local government units (LGUs), national government agencies, and the private sector in developing and promoting Philippine products, whether for export of the domestic market,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang Department of Trade and Industry (DTI) ang mangunguna sa pagpapatupad ng OTOP Philippines Program. Itatayo nito ang OTOP Program Management Office na siyang magbabantay sa pagpapatupad ng programa.

Inatasan din ang DTI na itayo ang OTOP Philippines Trustmark, na makikita sa mga produktong nakapasa sa pamantayang itatakda. Gail Mendoza