MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga pulis ang libo-libong ipinagbabawal na kagamitan sa mga bisita sa sementeryo sa Maynila at Quezon City nitong Undas o All Saints’ Day, araw ng Biyernes.
Kabilang sa mga nasabat na kontrabando ang matutulis na patalim, lighter, posporo, sigarilyo, vape, plastic cards, at iba pa.
Batay sa datos mula sa Manila at Quezon City Police Districts hanggang nitong Biyernes ng hapon, may kabuuang 1,217 ipinagbabawal na kagamitan ang nakumpiska sa Manila North Cemetery; 946 sa Manila South Cemetery; at sa Quezon City.
Ayon sa mga pulis, nasa 840,000 bisita ang na-monitor sa Manila North Cemetery at halos 76,300 sa Manila South Cemetery.
Samantala, sa Quezon City, narito ang bilang ng crowd estimate sa ilang sementeryo:
Himlayang Pilipino Cemetery – 9,159
Recuerdo Cemetery – 2,000
Holy Cross Cemetery/Manila Memorial Park – 4,189
Bagbag Public Cemetery – 9,497
Nova Public Cemetery – 1,748