MANILA, Philippines- Idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 4, 2024 bilang special non-working day sa lalawigan ng Quezon.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad sa Proclamation No. 730 na ito ay upang gunitain ang death anniversary ng local hero na si Apolinario Dela Cruz, kilala rin bilang si Hermano Puli.
”It is but fitting and proper that the people of the Province of Quezon be given full opportunity to honor the heroism and patriotism of Hermano Puli through appropriate ceremonies,” saad sa Proklamasyon.
Nilagdaan ang nasabing dokumento sa awtoridad ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. noong Oktubre 31, 2024.
Base sa National Archives of the Philippines, kilala si Dela Cruz bilang tagapagtatag ng Cofradia de San Jose, isang grupo na kalaunan ay lumaban sa mga Espanyol.
Pinangunahan niya ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol, kung saan isinulong niya ang religious freedom at kalayaan. Ipinaglaban din ng bayani ang pagkakapantay-pantay partikular sa unyon ng mga kalalakihan at kababaihan.
Pinaslang si Dela Cruz sa Tayabas, Quezon noong Nobyembre 4, 1841. RNT/SA