Home HOME BANNER STORY Libo-libong trabaho alok sa nationwide job fair sa Labor Day

Libo-libong trabaho alok sa nationwide job fair sa Labor Day

98
0

MANILA, Philippines – Bukas para sa mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Gitnang Silangan na lumahok sa nationwide job fairs sa Labor Day, ayon sa Department of Labor ang Employment (DOLE).

Inimbitahan naman ni DOLE spokesperson Assistant  Secretary Leonard Soriano ang mga apektadong mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa na makiisa sa ikinasang pambansang aktibidad bukas para makahanap ng oportunidad dito sa bansa o sa abroad.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-124th taong Labor Day ngayong Mayo 1, inaasahan na aabot sa 165,000 employment opportunities ang alok sa 89 sites sa buong bansa.

Samantala, inaasahan din ng DOLE na malampasan nito ang bilang ng job seekers na hired on the spot (HOTS) noong nakaraang taon na Labor Day celebration.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang mga Labor Day job fair ng HOTS placement rate na 15.07 porsyento sa buong bansa, mas mataas kumpara sa 11.10 porsyento na naitala noong nakaraang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here