Home OPINION LIBRENG “DESLUDGING SERVICE” NG MANILA WATER NGAYONG AGOSTO 2024

LIBRENG “DESLUDGING SERVICE” NG MANILA WATER NGAYONG AGOSTO 2024

Kung wala kayong badget para ipasipsip ang septic tank sa inyong bahay, ipinapaalam ng Manila Water Company, Inc. na mayroon itong libreng  desludging services.

Lubhang mahalaga ang pagsasagawa ng regular na deslud­ging sa septic tank para mapanatiling maging epis­yente ang waste management system sa inyong tahanan.

Nagreresulta kasi ito ng malaking problema kapag napuno at umapaw na ito.

Paliwanag ni Jeric Sevilla, director ng Manila Water Corporate Communications Affairs Group, may panganib na dulot din ang pag-apaw ng septic tank na nagtataglay ng maruming tubig na maaaring maging sanhi ng polusyon sa lupa, pagdumi ng groundwater na pinagkukunan ng malinis na tubig, at maaaring humalo sa mga anyong tubig na makaaapekto sa marine ecosystem. Ang mga dumi, bacteria at viruses na nasa mga burak ay mapanganib sa kalusu­gan ng tao.

Kada buwan ay nagsasagawa ang Manila Water ng deslud­ging caravan na nagtutungo sa mga barangay na nasa Timog na bahagi ng Metro Manila kabilang ang Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, malaking bahagi ng Quezon City, at bahagi ng Maynila at Parañaque, gayundin ang mga lugar ng Rizal kabi­lang ang Angono, Antipolo city, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililia, Montalban, San Mateo, Tanay, Taytay at Teresa.

Ngayong buwan ng Agosto, magtutungo ang desludging team nito sa mga sumusunod na lugar
– Barangay 763, 768, 771, 779, 784, 786, 787, 788, 789, 794, 797, 800, 801, 802, 805, 807, 809, 811, 812 at 814 sa Maynila;

– Barangay Pag-asa, Harapin ang Bukas, Mauway at Hagdang Bato Libis sa Mandaluyong City;

– Barangay Ugong Norte, Bagong Lipunan ng Crame, Pinyahan, Bahay Toro, Botocan, White Plains, Amihan at Old Capitol Site sa Quezon City;

– Barangay Maybunga, San Nicolas at Manggahan sa Pasig City;

– Barangay North Signal sa Taguig City;

– Barangay Sta. Lucia sa San Juan City;

– Barangay San Jose, San Roque at Cupang sa Antipolo City;

– Barangay Maly at Malanday sa San Mateo, Rizal;

– Barangay Burgos at San Jose sa Montalban, Rizal;

– Barangay San Juan sa Taytay, Rizal; at

– Barangay San Carlos sa Binangonan, Rizal

Para malaman ang eksaktong iskedyul ng pagbisita ng desludging caravan sa mga nabanggit na lugar, maaaring tu­mawag sa Manila Water Customer Service Hotline na “1627” o makipag-ugnayan sa inyong mga barangay official.